-- Advertisements --
Pumalo na sa 13,172 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa buong Central Visayas base sa pinakahuling tala na inilabas ng Department of Health-7.
Aabot naman sa 5, 897 ang mga nakarekober matapos ang gamutan habang nasa 650 na ang mga namatay.
Sa ngayon, mayroon ng 6,625 na aktibong kaso sa buong rehiyon.
Nasa 2,558 naman ang nakaadmit sa mga ospital habang 4, 067 ang mga nasa isolation centers.
Samantala, nangunguna pa rin ang Cebu City na may pinakamaraming naitalang kaso na umabot na sa 7,910 na sinundan naman ng probinsiya sa Cebu na aabot sa 2,355; Mandaue City, 1,393; Lapu-Lapu City, 1,379; Negros Oriental, 68 na kaso; at Bohol na may 67 kasong naitala.