-- Advertisements --

Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang isang taon na state of national calamity dahil sa bagyong Tino.

Ang nasabing deklarasayon ay base sa rekomendsayon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Nakasaad sa Proclamation No. 1077 , na inaatasan ang lahat ng mga government agencies na ipagpatuloy ang agarang pagresponde sa mga natamaan ng bagyo.

Una ng inaprubahan ng pangulo ang rekomendasyon na magdeklara ng state of national calamity dahil sa pananalasa ng bagyong Tino.

Mamamahagi ang gobyerno ng P760 milyon tulong pinansiyal sa lahat ng mga local government units na apektado ng bagyo.

Mananatili ang state of national calamity hanggang tuluyang tanggalin ito ng pangulo.