-- Advertisements --
kabaong Benguet checkpoint

Dahil sa trend ngayon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa, naniniwala ang mga eksperto na posibleng lomobo pa sa kalahating milyon ang kaso ng nakamamatay na virus hanggang sa katapusan ngayong taon.

Ito ang pahayag ng OCTA Reasearch ilang oras bago ianunisyo ni Pangulong President Rodrigo Duterte ang mga bagong quarantine classifications na ipatutupad sa buong kapuluan sa Disyembre.

Ayon sa OCTA Research, ang total number ng infections ay posibleng umabot sa 470,000 hanggang 500,000 na mayroong mean na 485,000 cases hanggang sa December 31. 

Sa ngayon mayroon nang total COVID cases na 431,630 ang bansa kung saan 8,392 na ang namatay at 398,658 naman ang mga gumaling.

Ang tinatawag na reproduction number ay tumaas umano ng 0.88 pero nananatili naman daw ito sa critical level 1 para sa period ng November 22 hanggang 28.

Nananatili naman umanong areas of concern ang National Capital Region (NCR), Davao del Sur, Quezon, Negros Occidental, Pampanga, Bulacan, Misamis Oriental at Western Samar.

Nasa high-risk areas naman ang Makati, Lucena, Batangas, Davao at Pagadian dahil sa pagtaas ng mga kaso at iba pang factors gaya ng hospital bed occupancy.

Kasabay nito, hiniling din ng OCTA Research ang national at local governments na magtulungan para makontrol ang pagkalat ng virus sa pamamagitan ng pagpapataas sa testing, contact tracing, isolation at quarantine.