-- Advertisements --
Pumalo na sa mahigit 12,300 ang bilang ng mga nag-positibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) dito sa bansa.
Sa pinakahuling data mula sa Department of Health (DoH), sa ngayon nasa 12,305 na ang covid case sa bansa matapos itong madagdagan ng 215 na kaso.
Mataas naman ang bilang ng recoveries sa loob ng 24 oras na umanot sa 101 at may kabuuan nang 2,561 ang mga nakarekober.
Sa kabila nito, may naitala pa ring 11 na patay at nasa 817 na ang kabuuang covid deaths dito sa Pilipinas.