-- Advertisements --
Nanindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na kaniyang papauwiin si dating Ako Bicol partylist Representative Zaldy Co matapos na ito ay nasa kustodiya ng Czech Republic.
Inatasan na rin ng Pangulo ang Department of Justice (DOJ) at Department of Foreign Affairs (DFA) na pangunahan ang proseso para mapauwi ang dating mambabatas.
Natitiyak din ng Pangulo na mananagot ang dating mambabatas sa mga kasong kinakaharap niya.
Magpapadala rin ang Pilipinas ng high level coordination team para maisakatuparan ang proseso.
Kabilang ang dating mambabata sa 16 na iba pa na kinasuhan ng graft at malversation na may kinalaman sa P289 milyon flood control project sa Naujan, Oriental Mindoro.
















