-- Advertisements --
JHU data 11112020

Nakapagtala ng panibagong record high ang Estados Unidos pagdating sa bilang ng mga bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

Batay sa report ng John Hopkins University and Medicine, nagtala ng 201,961 new cases ang Amerika sa nakalipas na isang araw.

Dahil dito umakyat pa ang kanilang total COVID-19 cases sa 10,238,965. Nananatili ang Estados Unidos na may pinakamaraming bilang ng coronavirus cases sa buong mundo.

Sumunod ang India sa bilang na 8591,730; Brazil na nasa 5,699,005; France na may 1,857,309 at Russia na mayroong 1,802,762.

Ang Pilipinas, tuluyan nang bumaba sa ika-23 bilang matapos umangat sa rank 18 noong nakaraang buwan. Umaabot na ang total COVID1-9 cases sa bansa sa halos 400,000.