-- Advertisements --
Kinumpirma ng pamunuan ng Philippine General Hospital (PGH) na bumaba na ang Covid-19 admission subalit karamihan pa rin sa mga nananatiling cases ay severe.
Ayon kay PGH Spokesperson, Dr. Jonas del Rosario, ang end-referral hospital ay mayruong 228 virus patients o nasa 88% ang bed occupancy rate kung saan bumaba siya mula sa 350 patients na naka confine kamakailan.
Dagdag pa ni Del Rosario, marami pa ang naka pila na kailangan ma-admit sa ICU (intensive care unit).
Aniya, ang ICU ngayon ay mostly occupied ng mga unvaccinated individuals na may comorbidities na mga matatanda.
Sinabi pa ni Del Rosario, napakalaking bagay sa mga kababayan natin na magpa bakuna para may proteksiyon laban sa nakamamatay na virus.