Ngayong araw nakapagtala ng pinakamataas na reported recoveries ang DOH dahil sa 53 na bagong gumaling mula sa COVID-19. Ang total ng recoveries sa ngayon ay 295.
Kabilang daw sa mga gumaling yung mga positive, mild, at asymptomatic patients na galing sa self-isolation at home quarantine.
Ang total naman ng mga namatay ay umakyat pa sa 335 dahil sa 20 na bagong deaths.
Habang ang kabuuan ng total confirmed o positive cases ay 5,223 na bunsod ng 291 na bagong nag-positibo.
Kinumpirma din ng DOH na isang 29-year old baby ang pinaka-batang fatality o namatay dahil sa COVID-19.
Mula raw ito sa Batangas at ang diagnosis na kanyang cause of death late onset sepsis dulot ng severe respiratory infection. Nakaranas din daw ito ng hirap sa paghinga at pneumonia.