-- Advertisements --

Pumalo na ng halos 2.3 milyon ang kaso ng COVID-19 sa buong mundo kung saan 159,000 na ang naitalang namatay ayon sa inilabas na datos ng Johns Hopkins University.

Nasa 82,735 naman ang kaso ng coronavirus sa mainland China habang patuloy na inoobserbahan ang 999 asymptomatic patients. Sa kasalukuyan ay nasa 4,642 na ang death toll sa naturang bansa.

Napagdesisyunan naman ni Prime Minister Pedro Sanchez ng Spain na palawigin pa ang ipinatutupad na lockdown sa bansa hanggang Mayo 9 matapos itong makapagtala ng halos 20,000 patay dahil sa COVID-19.

Habang sa Estados Unidos ay umabot na ng 38,000 ang namamatay habang 730,000 naman ang kumpirmadong kaso ng nakamamatay ng virus.

Dahil dito ay patuloy na nangunguna ang Amerika sa bansang may pinakamaraming kaso at namamatay dahil sa coronavirus.