-- Advertisements --
Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na hindi pupppet ng Amerika ang Pilipinas.
Ito ang naging reaksyon ni Marcos sa pahayag ng China na may kinalaman sa joint patrols sa pagitan ng India at Pilipinas sa West Philippine Sea.
Dagdag pa ng Pangulo na mayroong independent na foreign policy at diplomatic stance ang Pilipinas.
Giit nito na tila hindi naging malinaw para sa China ang pagiging malapit ng Pilipinas sa US.
Handa umanong ipagtanggol ng Pilipinas ang teritoryo ito at tatanggapin ang anumang tulong mula sa US, Australia at Japan.