-- Advertisements --

Posibleng mapaaga ang gagawing coronation night ng Miss World Philippines.

Sinabi ni Arnold Vegafria ang director ng Miss World Philippines, na mula sa itinakdang Disyembre 6 na coronation night ay pinag-aaralan nila itong paagahin.

Bagamat wala pang petsa ay maaaring isagawa ito sa ikatlong linggo ng Nobyembre.

Isa sa dahilan nila ay sa Disyembre ang Miss Eco-Teen at ang Miss Multinational.

Kailangan nila ng maagang makakuha ng kandidata para ilaban sa Miss World, Miss Eco International, Reina Hispanoamericana at Miss Tourism.

-- Advertisement --

May mga kahandaan na rin silang isinagawa kapag wala pang bakuna laban sa coronavirus gaya ng pagtanggap lamang ng 50 percent ng live audience at ilang mga health protocols.