GENERAL SANTOS CITY – Balot sa takot ng dumating nitong himpilan ang mahigit 20 coordinators ng NMC Corporation para humingi ng tulong matapos makatanggap ng iba’t ibang pananakot mula sa mga investor.

Ito’y matapos nakatanggap ng mga pagbabanta sa buhay.

Dumulog din sa Bombo Radyo kasama ang mga kapwa mga coordinator mula sa mga munisipyo ng South Cotabato at Isulan at Esperanza ng Sultan Kudarat.

Ayon kay Marilou Catchuela, coordinator ng Isulan, Sultan Kudarat na sumisikip ang kanyang mundo dahil natatakot sa kanilang sitwasyon pati ang kanyang pamilya.

Matapos marinig noong nagdaang mga buwan si Sanchez at nangako na ibabalik ang investment pati interest bago matapos ang buwan ng Disyembre.

Sinabi ni Nonoy Parcon, coordinator mula sa Surallah, South Cotabato na mahigit sa 1,000 miyembro sa South Cotabato pati sa Sultan Kudarat ang umaasa na mabalik pa ang kanilang pera.

Dagdag pa nito na mahigit sa P141 million ang nalagay na investment nila sa NMC Trading.

Tinawagan pa nito sina Natalie at Esperidion Sanchez ang founder ng NMC na lumabas na at ibalik ang perang nakuha mula sa mga investor.

Kung hindi umano magpakita ang mag-asawa sa Enero kanila nang iakyat sa piskalya ang kaso laban kay Sanchez.