Kusang ni-recall ng Nestlé USA ang kanilang ready-to-bake refrigerated Toll House Cookie Dough products dahil sa posibilidad na nakahalong maliliit na piraso ng goma.

Batay sa abiso ng U.S. Food and Drug Administration, sakop ng pagtanggal sa pamilihan ang cookie dough bars, tubs at tube-shaped packages na ibinibenta sa Estados Unidos.

Mismong ang kompaniya na umano ang nagtanggal ng mga produkto nang may matanggap silang mga reklamo hinggil sa mga nakitang goma.

Wala pa namang napa-ulat ng pagkakasakit dahil sa naturang pangyayari.

Pinayuhan naman ang mga nakabili ng recalled products na huwag na itong gamitin at itawag sa kompaniya kung anong maaaring gawin: (800) 681-1676 / email nestleproductinquiry@casupport.com.