-- Advertisements --

Asahan ang panibagong taas presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Base sa pagtaya ng Department of Energy (DOE) na maaring maglaro mula P0.15 hanggagn P0.60 sa kada litro ang itataas ng gasolina.

Habang mayroong mula P0.50 hanggang P0.90 naman ang itataas sa kada litro ng diesel at asahan na maglalaro mula P0.25 hanggang P0.40 ang tataas ng kerosene kada litro.

Isa sa mga nakikitang dahilan ng DOE sa pagtaas ay ang patuloy na geopolitical tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine ganun din ang patuloy na nuclear deal sa pagitan ng US at Iran.