-- Advertisements --
Sal Panelo
Sec Salvador Panelo/ FB image

Ipinaliwanag ng Malacañang ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na “better option” kung dalhin sa kanya na patay na ang mga convicted criminals na napalaya dahil sa pagpapatupad ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law na hindi sumuko sa kanyang deadline nitong Huwebes.

Magugunitang inihayag ito ni Pangulong Duterte kasunod ng alok niyang P1 million pabuya sa kada preso, dead or alive.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi naman ibig sabihin ni Pangulong Duterte na agad patayin na ang mga presong ito kung makita sila.

Ayon kay Sec. Panelo, ibang usapan lamang umano kung papalag sila sa pagkakaaresto at manlaban.

Samantala, tiniyak naman ng Malacañang na may mapapagkuhanan ng pondo para sa pabuyang ito.

Inihayag ni Sec. Panelo na posibleng hugutin ito sa intelligence fund ng gobyerno.