-- Advertisements --

Ipinagpatuloy ng Converge ang kanilang panalo matapos na malusutan ang Magnolia 114-97 sa PBA Philippine Cup.

Hawak pa ng Magnolia ang kalamangan 48-35 sa second quarter hanggang nahabol ito ng FiberXers sa laro na ginanap sa Ynares Center sa Antipolo City.

Pagpasok ng second half ay tuloy-tuloy pa rin ang paghabol ng FiberXers at napababa ang kalamangan 82-80 sa last quarter.

Bumanat ang Converge ng 10-2 run sa pamamagitan ng four-pointers ni Juan Gomez de Liaño para makuha ang 92-82 na kalamangan.

Nanguna sa panalo ng Converge si Gomezde Liano na nagtala ng 27 points , pitong rebounds, limang assists, isang steal at block.

Nasayang naman ang nagawang 31 points ni Zav Lucero ng Magnolia.

Mayroon ng anim na panalo at dalawang talo ang FiberXers habang ang Magnolia ay mayroong limang panalo at tatlong talo.