-- Advertisements --
Natapos na ang kampanya ng Converge FiberXers sa PBA 50th Season Commissioner’s Cup.
Sa kaniyang huling laro ay tinalo nila ang Blackwater 136-122.
Mayroon ng limang panalo at pitong talo ang Converge sa laro na ginanap sa Ynares Center sa Antipolo.
Nanguna sa FiberXers si Juan Gomez de Liano na nagtala ng 25 points habang mayroong 17 points at 11 rebounds naman si Justine Baltazar.
Nasayang naman ang nagawang 45 points at 18 rebounds na ginawa ni Robert Upshaw para sa Bossing kung saan mayroon lamang sila na dalawang panalo at 10 talo.















