ILOILO City – Kinilala bilang best Coronavirus disease 19 (COVID-19) response initiative ang web-based na contact tracing application ng Iloilo provincial government.

Ito ay ang Reverse Isolation and Contact Tracing Application (RIsCTrAp).

Sa isinagawang Digital Governance Awards ng Department of Information and Communication Technology (DICT), ang nasabing application ay itinanghal na first place sa Best COVID-19 Pandemic Response provincial category.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo Governor Arthur Defensor Jr. ikinatuwa nito ang nasabing pagkilala sa pagsisikap ng Iloilo provincial government sa kampanya laban sa COVID-19.

Napag-alaman na si Governor Defensor ang utak sa likod ng nasabing application na tumutulong sa pag-monitor, pag-check at pagtrace sa mga taong exposed sa COVID-19.