-- Advertisements --
sokor consul cebu

CEBU CITY – Bumisita sa opisina ni Cebu City Mayor Edgardo Labella ang Consul General ng Korea.

Ito’y upang tiyakin sa alkalde na walang dapat ikatakot ang siyudad sa Coronavirus Disease (COVID-19) matapos na dumating ang 26 na Koreans galing sa Daegu City.

Siniguro ni na si Consul General Uhm Won Jae na nakatutok ang Korean Consulate sa Lungsod ng Cebu, gayundin sa Lapu-Lapu City.

Aniya, walang dapat na ikabahala ang lokal na pamahalaan ng Cebu City dahil sila mismo ay may ginagawang “monitoring” para sa walong natirang Koreans na pansamantalang naka-self quarantine pa sa Cebu.

Nabatid na nakauwi na ang 17 Koreans sa Daegu City matapos na isinailalim sa self-quarantine, habang patuloy na binabantayan ng Provincial Health Office ang kalagayan ng walo pang natitira.

Kung maaalala, nasa 26 na Korean nationals ang dumating sa Cebu noong Pebrero 25 na nagnegatibo naman sa COVID.

Habang pinasalamatan naman ni Mayor Labella ang nasabing Consul General ng Korea sa ginawa nitong pagbigay ng report sa kanyang opisina.

Ipinaliwanag ng alkalde na wala itong ibang hangad kundi ang kaligtasan ng lahat ng mga Sugbuanon.