Tyson Fury
Tyson Fury/ IG post

Muling nagpahiwatig ng pagsali sa wrestling ni unbeaten heavyweight champion Tyson Fury.

Ayon sa British boxer, nilapitan siya ni UFC superstar Conor McGregor para sa siya ay sanayin.

Dagdag pa nito na pag-uusapan pa nilang mabuti ang nasabing alok ni McGregor sa mga susunod na mga araw.

Hindi pa naman aniya nito tiyak kung kailan ito makakapasok sa MMA.

Unang sumabak si Fury sa world of profressional wrestling ng magtungo ito sa Saudi Arabia para sa WWE at talunin si Braun Strowman.

Conor McGregor
Conor McGregor/ IG post

Nakatakda naman niyang labanan si WBC heavyweight champion Deontay Wilder sa Pebrero 22 kung saan nagharap na ang dalawa na nagtapos sa controversial na twelve round split draw noong December 2018.