SB19
SB19/ IG POST

Naubos agad sa loob ng tatlong minuto ang concert tickets ng K-pop group na SB19 sa bansa.

Sa kanilang offiical Twitter ay sa loob lamang ng tatlong minuto ay naubos na ang 3,500 na bilang ng ticket.

Gaganapin ang nasabing concert sa darating na Disyembre 28 sa Cuneta Astrodome.

Ang mga miyembro nito ay sina Sejun, Stell, Ken, Josh at Justin kung saan sumikat sila noong Oktubre 2018 sa kantang “Tilaluha”.