-- Advertisements --
Nakatakdang maglabas ng kanilang ikaapat na album ang K-Pop Group na TWICE.
Sa kanilang social media account ay ibinahagi nila ang ilang laman ng kaniyang bagong kantang “Intro Four” para sa album.
Makikita sa video na nakasulat sa palda ng siyam na miyembro ng grupo ang numerong 4.
Ito ang unang album na kanilang ilalabas matapos ang apat na taon.
Noong Nobyembre 2021 ng ilabas nila ang album na “Formula of Love”.
Noong Disyembre ng nakaraang taon ng muli silang naglabas ng extendedplay na “Strategy” na naging number 4 sa Billboard 200 albums charts.