-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Lomobo pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease (Covid 19) sa Rehiyon-12.

Ito ang kinumpirma Department of Health (DOH-12) Health Education and Promotion Officer Arjohn Gangoso na community transmission ng dating strain at hindi ng mga mas peligrosong variant ang sanhi ng pagdami ngayon ng COVID-19 infection sa rehiyon.

Sinabi ni Gangoso sa kanilang pagmamatyag, ang pagtaas ng COVID-19 cases sa halos lahat ng bahagi ng rehiyon ay dahil pa rin ng SARS-Cov2 strain na unang naiulat sa Wuhan, China noong Disyembre 2019.

Giit ni Gangoso na tumaas din ang COVID-19 cases sa Region XII dahil sa pagbabalewala ng maraming mga mamamayan sa miminum health protocols.

Dagdag ni Gangoso, ang pagsusuot ng face mask, face shield, tamang personal hygiene, disinfection at pagsunod sa physical distancing ay pinakabisang pa ring paraan para mapigilan ang pagkalat ng anumang variant ng COVID-19.