-- Advertisements --
supreme court
Supreme Court

Matapos ang deliberasyon at approval ng Supreme Court (SC) en banc, bubuo ngayon ang kataas-taasang hukuman ng Committee of Bar Examiners na tututok sa kada subject sa bar exam.

Ayon sa SC, ang naturang komite ay kinabibilangan ng tatlong miyembro.

Layon umano ng pagbuo ng komite na ma-maximize ang efficiency sa paghahanda ng mga tanong at ang pag-evaluate sa mga sagot ng mga bar hopefulls.

Naniniwala ang kataas-taasang hukuman na sa pamamagitan ng Committee of Bar Examiners, ay magagarantiya ang umano’y judicious, quality-made examinations.

Niresolba rin umano ang Court En Banc ang pag-aaral sa posibilidad na magkaroon ng computerize na bar examinations sa ilalim ng localized at proctored setting.

Ito ay para maiwasan ang tradisyunal na handwritten examinations na sinasabing nakakaapekto sa evaluation ng mga sagot.

Sa pamamagitan din ng computerize na bar exam ay mapapabilis din ang evaluation ng mga sagot ng Bar candidates at mapapaaga rin ang pagpapalabas ng Bar Examination results.

Sa mga susunod na buwan, magkakaroon ng serye ng mga aktibidad para makita kung epektibo ang naturang sistema.

Kabilang sa mga aktibidad ang pagsasagawa ng dalawang mock Bar Examinations sa ilang law schools sa bansa.

Ang mga aktibidad ay isasagawa sa pakikipag-ugnayan ng SC sa Philippine Association of Law Schools at iba pang relevant sectors.