-- Advertisements --

ILOILO CITY – Tiniyak ng outgoing Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Rowena Guanzon na itutulak ang reporma sa komisyon sa kabila ng pagretiro na nito ngayong araw, Pebrero 2.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Guanzon, sinabi nito na hindi dapat mahaluan ang komisyon ng katulad ni Commissioner Aimee Ferolino na hindi umano nakapag-practice ng abogasiya sa korte kaya hindi marunong sumulat ng resolusyon nang nag-iisa.

Comelec Commissioner Rowena Guanzon
Guanzon

Ayon sa COMELEC retiree, hindi dapat madungisan ng pamumulitika ang komisyon katulad ng ginagawa ni Felorino na tinawag nitong BBM.

Pahayag pa ni Guanzon, mas mabuting salain mabuti ang mga aplikanteng commissioners sa COMELEC at dapat suriin ng Judicial and Bar Council.

Ito ay upang maiwasan daw na may makapasok na katulad ni Ferolino na walang kakayahan na gampanan ang tungkulin sa mga importanteng kaso katulad ng disqualification case laban kay Marcos.

Nagbabala rin ito na bagama’t retirado na, maaari pa rin siyang mag-file ng impeachment complaint laban kay Ferolino.

Dahil ito sa paglabag sa internal rules ng COMELEC at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act dahil sa pagpabor nito kay Presidential aspirant Ferdinand BongBong Marcos Jr. na ayon kay Guanzon, malinaw na isang ex- convict.

Ayon pa kay Guanzon, dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng COMELEC ay apektado na rin ang kredibilidad ng komisyon.