-- Advertisements --

Target ni Pangulong Ferdinand Marcos na maalis ang kanser ng katiwalian sa lipunan. 

Inamin ni Pangulong Marcos Jr. na sadyang naging magulo at masakit ang mga pagbabagong ipinapatupad ng administrasyon dahil layunin nitong baguhin ang buong sistemang matagal nang pinaghaharian ng katiwalian.

Ayon sa Punong Ehekutibo, ang paglilinis ng malalim na kanser sa gobyerno ay parang major surgery na hindi maiiwasang magdulot ng pagdurusa. 

Humingi din ng paumanhin PBBM sa publiko sa naging epekto nito, ngunit iginiit na kung hindi ito gagawin, magpapatuloy lamang ang maling gawain sa nakalipas na tatlong dekada.

Sinabi ni Marcos na alam ng kanyang team ang direksyong tinatahak at hindi sila nawawala sa landas, lalo na sa pagpapatuloy ng kampanya kontra korapsyon at abuso. 

Bagaman mahirap ang kasalukuyang sitwasyon, umaasa siyang balang araw ay masasabi ng mga Pilipino na “worth it” ang mga sakripisyo.

Giit nito na matagal man ang proseso 

pero kung magtatrabaho nang tuluy-tuloy, makakamtan natin ang hinahangad na magandang resulta.