-- Advertisements --

Tuluyan ng ibinasura ng Commission on Elections (COMELEC) ang accredidatio ng Duterte Youth party-list.

Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, na nagpasya ang en banc kung saan nakakuha ng 5-1 na boto.

Nag-inhibit si Garcia habang hindi naman sang-ayon si Commissioner Rey Bulay.

Noong Hunyo ay kinansela ng COMELEC Second Division ang accredidation ng Duterte Youth dahil sa kabiguan nilang magsumite ng requirements.

Nagbunsod ang desisyon ng COMELEC division mula sa kaso noong 2019 na isinampa ng youth leaders na kumontra sa nasabing partylist dahil sa bigong mag-comply sa mga requirements mula sa COMELEC.