-- Advertisements --

Ipinagbawal sa electronic transmission service provider ng PH para sa May 2025 midterm elections na IOne-Ardent joint venture mula sa pakikipag-ugnayan sa mga kandidato at political parties.

Nakapaloob kasi ang probisyong ito sa kontrata sa pagitan ng poll body at naturang kompaniya para sa Secure Electronic Transmission Services (SETS) project.

Ang tanging exemption umano sa naturang prohibition ay kapag ang entity ay magpapakita ng technical demonstrations o kapag inotorisa ng Comelec.

Matatandaan na nananalo ang IOne-Ardent joint venture sa public bidding ng naturang proyekto na nagkakahalaga ng mahigit P1.426 billion.

Ang naturang proyekto ay gagamitin para sa pag-transmit ng election results sa pamamagitan ng telecommunication networks.