-- Advertisements --
Nilinaw ng Commission on Elections (Comelec) na hindi kasama ang paggamit ng iligal na droga para tuluyang ma-disqualify sa pagtakbo sa halalan ang isang indibidwal.
Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez na sinubukan na noon nila na ipasailalim sa drug test ang mga kandidato subalit hindi sila pinayagan ng Korte Suprema.
Nakasaad lamang kasi sa Omnibus Election Code na maaring ma-disqualify ang isang kandidato kapag ideklara ng mga otoridad na siya ay hindi karapat-dapat o may problema sa pag-iisip.
Reaksyon ito ng Comelec sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroong isang kandidato sa pagkapangulo ang gumagamit umano ng iligal na droga.