-- Advertisements --
Nakausad na sa ikalawang round ng WTA 125 sa Sao Paulo, Brazil si Pinay tennis star Alex Eala.
Ito ay matapos na talunin si Yasmine Mansouri ng France sa score na 6-0, 6-2.
Sa simula pa lamang ay dominado na ni Eala ang laro na tumagal ng isang oras at 10 minuto.
Hindi makapaniwala si Eala na marami ang manonood sa kaniyang laro kung saan ito ang unang pagkakataon niya na makapaglaro sa Brazil.
Ang nasabing panalo ni Eala ay ilang araw ng magkampeon ito Guadalajar 125 Open sa Mexico.
Susunod na makakaharap ni Eala si Julia Riera ng Argentina na gaganapin sa araw ng Huwebes, Setyembre 11.