Kasabay ng paghahanda ng Commission on Elections (COMELEC) sa Bangsamoro Parliamentary Elections sa darating na Oktubre, nilinaw ng poll body na hindi kasama ang mga botante sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na maaaring makapag-register muli.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, kahit kasi may botohan sila sa Oktubre, ang kailangan na mga registered voters doon na boboto ay yung mga dati ng nakapagpa-rehistro kapareha ng bumoto sa Midterm Elections.
Magkakaroon kasi ng ’10-day General Voters Registrations’ sa Hulyo hanggang Agosato at para ito sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Sa kasalukuyan, pinaghahandaan na rin ng poll body ang botohan sa Bangsamoro. Kasama sa mga bagong paghahandaan ay ang pag-iimprenta ng mga balota dahil kailangan na itong lagyan ng larawan ng mga kandidato at logo ng mga partido at dapat may none of the above rin sa mga pagpipilian. Magsisimula na ring mag-training ulit o magkaroon ng refresher courses ang mga guro na magsisilbi sa halalan sa BARMM.