-- Advertisements --

Muling pinatunayan ni Timothée Chalamet ang kanyang charisma at talent para sa Academy Awards matapos niyang makuha ang 83rd Golden Globe Awards para sa Best Actor sa musical-comedy sa kanyang pagganap sa ”Marty Supreme” kung saan pinataob ng batang aktor ang mga batikang aktor sa Hollywood tulad nina Leonardo DiCaprio at George Clooney.

Ito ang unang Golden Globe win ni Timothée matapos ang kanyang limang mga nakaraang nominasyon.

Bagama’t natalo si Leonardo sa acting category, ang pelikula nitong ”One Battle After Another” ang pinakamadaming nanalong awards sa parangal, na tumanggap ng apat na tropeo kabilang ang Best Musical or Comedy Film at Best Director.

Bukod kay Timothée, nasungkit naman ni Jessie Buckley, isang Irish actress, ang Best Actress sa drama para sa pelikulang ”Hamnet,” na umani rin ng sorpresa sa Best Drama Film.

Sapagkat ang vampire thriller na ”Sinners,” na inaasahang frontrunner, ay nakakuha lamang ng Box Office Achievement Award at Best Original Score.

Tinuturing ang Golden Globes bilang mahalagang indicator para sa Oscars, at kinilala rin ang mga standout performances nina Teyana Taylor, Rose Byrne, Wagner Moura, at Stellan Skarsgård.

Hindi tulad ng Oscars, pinaparangalan ng Globes ang parehong film at television. Patuloy na namayagpag sa TV ang mga British actors na sina Stephen Graham, Owen Cooper, at Erin Doherty sa kanilang mga papel sa streaming drama na ”Adolescence.”

Samantala, sa pagsisimula ng awards season tila umiingay na ang pangalan ni Timothée na kakandidato para sa Oscars, na nagpapainit sa kumpetisyon sa darating na mga buwan.