-- Advertisements --

Ibinahagi ng Hollywood actor na si George Clooney na isa na siyang French.

Ayon sa aktor na maging ang asawang si Amal Alamuddin Clooney at kanilang dalawang anak ay citizens na rin ng France.

Noong nakaraang buwan kasi ay pinuri ni Clooney ang privacy law sa France para maiwasan laban sa paparazzi ang kaniyang pamilya.

Bago pa man naikasal ang actor sa asawa noong 2014 ay malapit na sa Europa ito.

Ang asawa nito na isang British-Lebanese human rights lawyer ay fluent na magsalita ng French.

Mayroong lupain din ang aktor sa Italy na kaniyang binili noong 2002.