-- Advertisements --

Magsasagawa ng panibagong bidding ang Commission on Elections para sa kompanya na hahawak ng online overseas voting ng Overseas Filipino Workers.

Ang desisyon ay matapos mabigong makapasa ang dalawang kumpanya sa Bids and Awards Committee ng Comelec.

Ayon sa Commission on Elections, hindi nakapagbigay ang Indra Soluciones Technologias de la Information, at We are IT Philippines Inc. ng ilang dokumento na nagresulta naman sa pagkasablay ng aplikasyon ng mga ito.

Nagpadala ng notice of ineligibility ang Bids and Awards Committee ng COMELEC sa dalawang kumpanya kung saan ipinapaalam sa mga ito na hindi kwalipikado ang mga ito sa online voting and counting system sa 2025 midterm elections.