-- Advertisements --
Balik detensiyon sa Senado ang kontratistang si Curlee Discaya matapos ang operasyon sa kaniyang kanang balikat.
Isang linggo ito matapos na dalhin sa ospital si Discaya para sumailalim sa surgery.
Kinumpirma naman ni Senate Secretary Mark Llandro Mendoza na nakabalik kaninang umaga si Discaya sa Senado.
Ayon sa Senate official, maayos na ang kalagayan ni Discaya at pinayagang ipagpatuloy ang kaniyang pagpapagaling sa Senado.
Matatandaan, idenitine si Discaya sa Senado mula pa noong Setyembre ng nakalipas na taon matapos i-cite in contempt ng Senate Blue Ribbon Committee sa isa sa mga isinagawnag pagdinig sa maanomaliyang flood control projects.















