-- Advertisements --
image 154

Nakahanda ang Commission on Elections (Comelec) na magdaos ng halalan para sa delegado ng panukalang Constitutional Convention (Con-Con) sakaling maisabatas ito sa buwan ng Abril at mataong masabay ito sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections na gaganapin sa Oktubre 30.

Ngunit inamin ni Comelec chairperson George Garica na kakailanganin ng poll body ng karagdagang P3.8 billion na pondo para sa pag-imprinta ng dagdag na mga balota para sa electoral board members.

Sa kasalukuyan natapos na ng Comelec na maimprinta ang nasa 91 milyong balota para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Una rito, bumoto ng pabor ang mayorya ng Kamara sa resolution na nagrerekomenda para sa economic amendments sa 1987 Constitution.

Sa ilalim ng Resolution of Both Houses No. 6, ang con-con ay magiging isang hybrid assembly na bubuuin ng 316 elected at appointed members.