-- Advertisements --

Inutos na ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagbabalik ng lahat ng election supplies at kagamitan mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) matapos ipagpaliban ang nakatakdang parliamentary elections sa Oktubre 13.

Kabilang sa mga ipapabalik ay ang automated counting machines (ACMs), official ballots, indelible ink, baterya, at iba pang gamit.

Ayon kay Garcia, mahalaga na marekober ang mga ito upang muling masuri at ma-reconfigure bago muling magamit. Target ng poll body na matapos ang proseso ng “reverse logistics” ngayong buwan o sa Nobyembre, at ilalagay ang mga kagamitan sa kanilang bodega sa Sta. Rosa, Laguna.

Kaugnay pa nito, iginiit ni Garcia na handa ang komisyon na tumulong kung hihilingin ng Bangsamoro Parliament, partikular sa usapin ng paglalaan ng mga distrito. Kasabay nito, sinabi ng poll body na hindi na ito maghahain ng mosyon para baligtarin ang desisyon ng Korte Suprema.

Dahil dito, tinanggal na rin ng poll body ang lahat ng election-related prohibitions sa BARMM habang naghihintay ng bagong petsa ng halalan.