pacquiao mayweather
Floyd vs Pacquiao (file photo)

Maaaring hindi na umano bumalik pa ngayong taon sa itaas ng ring ang itinuturing na five division world champion na si Floyd Mayweather Jr.

Ito ay sa dahilan ng serye na trahedya sa kanyang buhay.

Iniulat ng TMZ Sports, mismong si Floyd daw ang nagbibigay na rin ng mga pahayag sa kanyang mga malalapit na kaibigan.

Pangunahin daw nito ang pagkamatay ng ilan sa malapit sa kanya at sa coronavirus pandemic na naapektuhan ang maraming mga sports events.

Kung maalala ang huling laban ng 43-anyos na undefeated boxer ay noong August 2017 kontra sa UFC superstar na si Conor McGregor at sa exbition game naman noong nakaraang taon bago ang new year sa harapan nila ng kickboxing superstar Tenshin Nasukawa.

Noong March 11 ang ina ng kanyang tatlong anak na si Josie Harris ay nakitang wala ng buhay sa kotse nito,

Noon namang March 18, ang uncle at longtime head trainer ni Floyd na si Roger Mayweather ay binawian ng buhay dahil sa matagal ng diabetes.