-- Advertisements --
Col Rillera
Col Alex Rillera

Nag-assumed na bilang bagong 202nd Brigade Commander si Col. Alex Rillera na nakakasakop sa area ng Region 4A Calabarzon nuong Biyernes.

Si Rillera ang pumalit sa pwesto ni BGen. Arnulfo Burgos na itinalagang bagong 2nd Infantry Division Commander na naka base sa Camp Capinpin,Tanay, Rizal.

Si Rillera ay miyembro ng PMA CLASS of 1991 habang si Burgos ay miyembro ng PMA CLASS of 1988.

Tiniyak ni Rillera na kaniyang ipagpapatuloy ang mga nasimulang proyekto ni Burgos lalo na ang kanilang kampanya laban sa insurgency.

Hindi naman tumitigil ang militar sa kanilang operasyon laban sa rebeldeng NPA.

Sa katunayan, dalawang high powered firearms ang nahukay ng mga sundalo base sa isinagawang intelligence operation sa may Barangay Piña, Taysan, Batangas.

Ayon kay 2nd ID commander BGen Arnulfo Marcelo B Burgos Jr, ang nasabing operasyon ay off-shoot sa nangyaring enkwentro nuong April 28,2019 sa pagitan ng 1st IB at NPA sa San Juan,Batangas kung saan isang NPA ang patay at narekober ang isanf M16 rifle.
Giit ni Burgos ang paglibing ng NPA sa kanilang mga armas ay patunay na humihina na ang kaniyang pwersa dahil sa patuloy na opensiba ng militar.

Ayon naman kay 202nd Brigade Commander Col. Alex Rillera nakatanggap ng intelligence report ang mga tropa ng 1st IB ukol sa umanoy arms cache ng NPA na agad.

Sinabi ni Rillera, mahalaga ang nga impormasyon na ibinibigay ng mga sibilyan sa lugat kaugnay sa mga aktibidad ng komunistang rebelde.

Patunay din ito na wala ng nakukuhang suporta ang NPA sa komunidad.

“ It only shows that the NPAs no longer enjoy mass base support because the people are already tired of the extortion and terroristic acts” of the enemies of the state. What the people long is lasting peace and progress, and that armed struggle as espoused by the desperate NPA will never be embraced by the God-fearing Filipino people”, wika ni Col Rillera.