Isinailalim sa Close Quarter Battle training ang mga tauhan ng Coast Guard Security and Border Protection Force sa bahagi ng Pasay City mula Abril 17, 2024 hanggang Mayo 1, 2024.
Sa ilalim ito ng capacity-building initiatives na inorganisa ng PNP Aviation Security Group-Special Operations Unit kung saan sinanay ang tactical skills and strategies ng mga tauhan ng Coast Guard bilang pagtugon sa nagpapatuloy na mga suliranin at pagsubok na may kaugnayan sa security threats.
Ayon sa naturang hanay ng PCG, ang nasabing pagsasanay ay mas pinaigting pa ang kanilang operation readiness pagdating sa close range engagement sa pamamagitan ng scenario-based simulations sa gitna ng Maritime threats.
Bukod dito ay na-develop din sa naturang pagsasanay ang proficiency ng naturang Coast Guard personnel pagdating sa close quarter combat techniques, pistol and riffle fundamentals and skills, room clearing at building entry tactics, gayundin sa weapon handling, at manipulation sa confined spaces, team coordination and communication under stress, at maging sa decision-making sa tuwing nakakaranas ng high-pressure situations.
Anila, ang mga ito ay nagbigay sa kanilang mga tauhan ng enhanced skills, confidence, at kahandaan na harapin ang anumang pagsubok na kanilang ka kaharapin sa gitna ng kanilang pagtupad sa kanilang sinumpaang mandato bilang Special Reaction Unit ng Coast Guard Security and Border Protection Force.