-- Advertisements --

Tinanggihan ng Commission on Audit (COA) ang P2.1 million money claim ng Pitney Bowes Software Pte. Ltd. laban sa Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa kakulangan ng hurisdiksiyon at merit.

Inilahad ng Pitney Bowes na hindi binayaran ng DPWH ang dalawang invoice—isa para sa $15,846.73 at ang isa pa ay para sa $25,808.01—kaugnay ng isang kontrata noong Hulyo 4, 2012, na tumutukoy sa pagbibigay ng software licenses, suporta, at taunang maintenance sa mga Road and Bridge Information Applications.

Gayunpaman, matapos suriin ng COA, napag-alaman na wala umanong sapat na documentation at walang authorization si Jeetendra Kumar, ang managing director ng Pitney Bowes, na magsampa ng petisyon para sa money claim. Dahil dito, walang hurisdiksiyon ang COA sa kaso at tinanggihan ang petisyon ng kumpanya.

Paliwanag pa ng COA na hindi rin naipasa ng Pitney Bowes ang mga kinakailangang dokumento upang patunayan ang kanilang claim.