-- Advertisements --

Nangako ang Commission on Audit (COA) na itutuloy nito ang digital transformation sa susunod na pitong taon.

Sa isang pahayag, sinabi ni COA chairperson Gamaliel Cordoba na ang mga strategic thrust ng ahensya ay tututukan sa pagbuo ng isang madaling ipatupad na technology system ng accounting ng pamahalaan na sumusunod sa mga internasyonal na pamantayan.

Kabilang dito ang pagpapakilala ng e-audit bilang paraan ng pagsasagawa ng pag-audit sa pamamagitan ng pag-digitalize ng mga transaction ng gobyerno.

Pati na ang paggamit ng teknolohiya upang mapabuti ang mga diskarte at pamamaraan ng pag-audit, kabilang ang pagbuo ng isang automated na sistema ng pag-audit para sa mga e-collections at e-payments at paggamit ng artificial intelligence.

Aniya, ang mga strategic thrust na ito ay naaayon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na makamit ang digitalization at gamitin ang mga technological innovation upang gawing mas mapagkumpitensya ang bansa.

Sinabi ni Cordoba na napagkasunduan ito sa mga strategic directive ng COA sa planning conference na isinagawa at dinaluhan ng 140 matataas na opisyal, kabilang sina Commissioners Roland Pondoc at Mario Lipana.
Top