Ipinatupad ng pamahalaan ang bagong patakaran na magtatakda ng limitasyon sa paggalaw ng presyo ng mga produktong petrolyo kasunod ng deklarasyon ng national energy emergency.
Ayon sa Department of Energy (DOE), hindi direktang kokontrolin ng gobyerno ang mismong presyo ng langis, ngunit lilimitahan nito kung gaano kalaki ang maaaring itaas o ibaba ng presyo.
Sa ilalim ng patakaran, obligadong sundin ng mga oil company ang itinakdang minimum na rollback at maximum na price increase. Ibig sabihin, kung may ibinabang presyo ang DOE, kailangang pantayan o higitan ito ng mga kumpanya.
Binigyang-diin ni Energy Secretary Sharon Garin na kailangang sundin ng lahat ng oil companies ang itinakdang adjustments ng gobyerno. Halimbawa, kung P24.94 ang rollback, maaari itong higitan ng kumpanya ngunit hindi maaaring bumaba sa itinakdang presyo ng pamahalaan. Sa kabilang banda, tataas ang presyo, hindi rin dapat ito sosobra sa itinakdang cap ng DOE.
Simula Abril 21, 2026, inaasahang bababa ang presyo ng mga produktong petrolyo sa P24.94 kada litro sa diesel, P3.41 sa gasolina, at P2.00 sa kerosene.
Inaasahan ding susunod ang lahat ng oil companies sa nasabing rollback.
Nauna nang nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kumpanya ng langis na agad at buong ipatupad ang rollback upang mabigyan ng agarang ginhawa ang mga mamimili sa gitna ng nararasang krisis.
















