-- Advertisements --

Binigyang-diin din ng Malacañang na hindi paglabag sa kalayaan sa pamamahayag ang hakbang nito laban sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, tanging mga indibidwal na sadyang nagpapakalat ng pekeng balita, lalo na tungkol sa kalusugan ng Pangulo, ang posibleng maharap sa kaso tulad ng cyber libel at danyos.

Nauna nang inendorso ng Presidential Communications Office (PCO) ang ilang social media personalities para imbestigahan, habang nakikipag-ugnayan na rin ang Department of Justice (DOJ) sa National Bureau of Investigation (NBI) para sa posibleng pagsasampa ng kaso.

Ayon sa palasyo, pananagutin ang sinumang mapatunayang nagpapakalat ng maling impormasyon.