-- Advertisements --
image 122

Inirekomenda ng Commission on Audit (COA) sa Presidential Electoral Tribunal (PET) na abisuhan sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr at dating Vice President Leni Robredo na i-withdraw ang hindi nagamit na P13.317 million na nakalaan para sa 2016 vice presidential electoral protest expenditures.

Sa 2022 audit report sa Presidential Electoral Tribunal, inihayag ng state auditors na mayroong hindi nagamit si Robredo na cash deposit na P8.164 million habang si Pang. Marcos Jr naman ay mayroong balance na P5.152 million.

Nakalaan ang naturang cash deposits para masaklaw ang gastusin gaya ng paghahatid ng ballot boxes at election paraphernalia sa tribunal at kanilang return matapos na ma-terminate ang kaso.

Sinabi ng state auditors na ang hindi pagbabalik ng hindi nagamit na sobrang cash deposits ng nagpoprotestang mga partido ay hindi tumutugma sa Rule 33 ng 2010 Rules ng Presidential Electoral Tribunal at naglalagay sa nasabing Tribunal sa unnecessary indebtedness o pagkakautang mula sa pribadong indibdiwal at Pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Matatandaan na ibinasura ng Korte Suprem na siyang tumatayong Presidential Electoral Tribunal ang electoral protest ni Marcos Jr. noong 2021 matapos na mabigong patunayan ang kaniyang mga alegasyon kaugnay umano sa malawakang anomaliya at iregularidad laban kay Robredo.

Sa parte naman ng PET, sinabi nitong nag-isyu na ito ng isang resolution na may petsang Marso 8, 2023 na nag-aatas sa kanilang Fiscal Management and Budget Office na payuhan ang dalawang partido para i-claim ang kanilang cash deposits.