Pinahiya ng karibal na Los Angeles Clippers ang defending champion na Los Angeles Lakers sa Easter NBA games sa score na 104-86.
Nanguna sa opensa ng Clippers si Kawhi Leonard na may double-double performance na 19 points at 10 rebounds.
Sinamantala ng Clippers ang hindi pa rin paglalaro ng mga Lakers superstars na sina LeBron James at Anthony Davis, gayundin sina Andre Drummond at Wesley Matthews.
Ito na ang ikaanim na talo sa huling siyam na games ng Lakers (31-19).
Nag-debut rin kanina ang bagong miyembro Clippers (33-18), ang veteran point guard na si Rajon Rondo, na naging instant leader ng team.
Ito ay sa kabila na meron lamang siyang two points, three rebounds at apat na turnovers sa loob ng 13 minutes.
Aminado naman si Clippers coach Ty Lue na medyo kinakalawang pa si Rondo dahil sa ang huling laro pa nito ay noon pang March 22.