Nakaisa na rin ng panalo ang Los Angeles Clippers matapos na makuha ang Game 3 laban sa Phoenix Suns sa Western Conference finals sa iskor na 106-92.
Kumawala ang Clippers sa third quarter nang dominahin ang laro at hindi na nila ito pinakawalan hanggang sa 4th quarter.
Muling nanguna sa kanyang all around game ang veteran na si Paul George na nagtala ng 27 points, 15 rebounds at walong assists upang bitbitin ang Clippers na hanggang ngayon ay wala pa rin si Kawhi Leonard dahil sa injury.
Hindi naman umubra ang pagbabalik ni Chris Paul sa Suns na kagagaling lamang sa isolation dahil sa health and safety protocols.
Sa kabuuan merong 15 points at 12 assists si Chris gayundin si Devin Booker na nag-ambag din ng 15 puntos.
Si Deandre Ayton ay may 18 points para Suns.
Meron pang pagkakataon ang Clippers na maitabla ang serye doon pa rin sa kanilang teritoryo kung saan ang Game 4 ay gagawin sa Linggo.