Kinumpirma ng Department of Science and Technolosy (DOST) na umaarangkada na ang clinical trial para sa lagundi bilang gamot panlaban sa coronavirus disease.
Aprubado ang naturang clinical trial ng Food and Drug Administration (FDA) at Ethics Review Board.
Sinabi ni DOST Philippines Council for Health Research Development executive director Dr. Jaime Montoya na sumailalim na sa screening ang nasa mahjigit 150 pasyente.
Mula sa nabanggit na bilang ay 37 katao ang nag-qualify at kaagad na lumahok sa clinical trial ng lagundi.
Ang lagundi ay isang herbal drug sa Pilipinas na ginagamit bilang gamot sa ubo.
Dagdag pa ni Montoya, sisimula na rin nila ang pagbibigay ng virgin coconut oil (VCO) sa mgaCOVID-19 patients sa Philippine General Hospital (PGH).
Batay daw kasi sa unang dalawang buwan na pagsasaliksik ay ibinagy lamang ang VCO sa mga suspected coronavirus patients at mga naka-close contace nito.
Sa ngayon naman ay hinihintay pa ng ahensya ang magiging review ng Ethics Review Board para naman sa tawa-tawa bilang gamot din sa deadly virus.