-- Advertisements --

Mahigit 200,000 civil service examinees ang nagtungo sa iba’t-ibang centers sa buong bansa ngayong araw.

Natuloy ang pagdaraos ng naturang exam sa kabila ng naunang mga plano ng Civil Service Commission (CSC) na i-postpone ito dahil sa masamang lagay ng panahon.

Sa Metro Manila pa lamang na may 75 testing centers na karamihan ay mga paaralan, ay tumanggap ng mga examinees simula alas-6:00 pa lang ng umaga, o dalawang oras bago ang pagsusulit.

Karamihan sa mga examinees ay pawang mga fresh graduates na kailangan pumasa sa exam para makapasok sa serbisyo publiko.

Nabatid na exempted sa exams ang mga Bar passers, gayundin ang mga honor graduates.