ILOILO CITY – Nangangamba umano ngayon ang mag-amang sina Iloilo 1st District Rep. Richard Garin at Guimbal Mayor Oscar Garin dahil sa banta sa kanilang buhay.

Batay sa ipinadalang mensahe ni Rep. Garin sa Bombo Radyo Iloilo, kinumpirma nito na may utos umano si Pangulong Rodrigo Duterte sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na ipapatay silang mag-ama.

Ang nasabing assasination ay nakatakda sana kasabay ng Bantayan Festival ng Guimbal, Iloilo na isinagawa noong Abril 3 hanggang 7.

Napag-alaman na sa ngayon, hindi pa rin mahagilap ng otoridad ang mag-amang Garin matapos ang kinasangkutang kontrobersiya.

Matatandaang inireklamo ni SSgt. Federico Macaya Jr. ng Guimbal Municipal Police Station ang mag-amang Garin dahil sa pagbabanta at panggugulpi na ikinagalit naman ni Pangulong Duterte.

-- Advertisement --